"He who strikes a man so that he dies shall surely be put to death" (Exodus 21:12).
Ang karumaldumal na krimen na ginawa sa Maguindanao ay labag, hindi lamang sa batas ng tao, sa batas din ng Diyos. Ang mga kapatid nating mga manunulat, media men, abugado, politiko at mga kaibigan ay magkakasamang pinaslang.
"Whoever sheds man’s blood, by man his blood shall be shed; for in the image of God He made man." Genesis 9:6
Sa lumipas na limang araw, naging kulay dugo ang kulay ng bawat pahayagan. Ang lumalabas sa balita sa T.V. at radio ay nakakakilabot. Mahigit sa dalawmpung Journalist ang pinatay. Ang mismong mga naglalabas ng mga balita; Mga abugadong nagtatanggol sa atin; at mga babaeng walang kalaban-laban.
"...for he is God’s minister, an avenger to execute wrath on him who practices evil" (Romans 13:4)
Ang ginawa ng gobyerno ay mas masakit.
Ang nakikita ko sa mga sine ay kung may mga ganitong nangyari, nagsisigaw na ang pangulo at sinasabing "I want you to find who ever did this and punish them... punish them hard." sa mga pulis, militar at F.B.I.
Pero dito sa Pinas, sy*7! Anak ng ulupong! Nagdeclare lang ang pangulo ng day of mourning?
Anak ng tutpik talaga! Sa halip na kumilos ang mga AFP (armed forces of the Philippines) pinatagal pa ang paghuli kay Ampatuan na alam ng lahat na Siya ang prime suspect sa Krimen.
Isang linggo ang nakalipas ay nakita na ng 601st Brigade ng Army na may grupo ng kalalakihan na nagaaligid sa Ampatuan, Maguindanao. Ang masaklap, noong nag-request ang mga biktima (Mangudadatu) ng Police escort para mag-file ng COC (certificate of candidacy), tinanggihan ng PNP.
Palakpakan naman natin ang AFP. "to serve and protect" ang motto nila! TO SERVE AND PROTECT THE HIGHEST BIDDER! May private army na nga si Ampatuan, kampi pa ang Philipine Army. SY*7!
"But if a man come presumptuously upon his neighbor, to slay him with guile, thou shalt take him from Mine altar, that he may die." Exodus 21:14,
Sa ngayon, alam natin na natagalan ang pag huli kay Ampatuan. Bakit? Ganito kasi. Kaalyado siya ng pinakamalaking mamamatay tao sa Pinas. Si Gloria Arroyo. Sa Maguindanao nangyari, noong last election, na naging Zero (0) ang boto sa mga hindi kaalyado ni GMA. Dats why parang walang pakundangan pumatay si Ampatuan. Dahil ang amo niya, wxpert sa extra judicial murder.
Ang panawagan:
Sama-sama po tayong mga Kristyanong mag martsa at sa malakas na boses, isigaw ang ating galit at hingin ang hustisya! Kristyano tayo at hindi dapat nating bale walain ang karumaldumal na krimeng ito.
Philippine Christian University, Kung totoong Kristyano kayo, huwag niyong palampasin ang mga ganitong gawaain.
" learn to do good;
seek justice,
correct oppression;
bring justice to the fatherless,
plead the widow’s cause. "
Isaiah 1:17