Homeward bound -- the student sighs
home at last to her brown eyes
He has learned society's lies
And filled the streets with his cries
But now it's home he longs for
Back to her whom he adores
To whom he started fighting for
Back to her whom he adores
His fist will be forever
Held high, held tight in the air
But he knows he would be never
Be complete without her stare
Complete he will never be
With one but not the other
Still he will fight to be free
For people; his wife; his daughter
He wishes for her to join him
In the fight and share his dream
But even though his fight's not hers
He's thankful for her unheard cheers
One day after all the these fights
He'll have her near all through the nights
And never will he let her go again
In the society for which he gave his pain
-Orville "chubby" Basas
It's a wonderful time to be here It's nice to be alive Wonderful people everywhere " The way they comb their hair makes me want to say It's a wonderful place Oh what a wonderful place For you, for you, for you, for you, for you, for you, not me " - Rage Against the Machine -
Wednesday, December 16
Ama; Ina; Anak
Anak:
Tanong ng isang bata: "Nasaan na si ama?
Iilang umaga na na hinahanap siya?"
Natututo na ako magsalita at maglaro
May nagawa ba ako kaya't iniwan tayo?
Ina:
Wala kang kasalanan at 'di tayo iniwan
Siya'y nasa mamamayan at tayo ay babalikan
kung ba't doon siya nagpunta ay matuto sa masa
at maglunsad ng digma para sa inang laya
Ama:
Nangungulilang puso sa sinta't anak ko
nananabik na ako na mayakap kayo
sa aking pagbabalik sa aking munting bayan
dala ay mga aral ng mapagpalayang mamamayan
Anak huwag kang magsawa na matuto sa mamamayan
At iyong pagaralan rebolusyon at lipunan
'Di ko man matamasa halik ng inang laya
Ang hiling ko na sana maihiga kayo sa duyan niya

Labels:
beauty,
Orville "chubby" Basas,
peace,
philippines,
poetry,
politics
Tuesday, December 8
never again to martial law!
“Never again to martial law!”
Nangingibabaw na naman ang pagkagahaman ni GMA sa pampulitikang kapangyarihan. Noong ika-4 ng Disyembre ay idiniklara nga ni GMA ang batas militar sa Maguindanao. Ang pagdiklara ng batas militar na ito ay walang basehan at nagpapatunay lamang na gutom na gutom si GMA sa kapangyarihang pampulitika. Nakasulat sa ating saligang batas na maaari lamang magdeklara ng batas militar kung may “invasion” o “rebellion.” Maaari daw magkaroon ng rebelyon mula sa kampo ng mga Ampatuan. Pero malinaw na malinaw na walang mangyayaring rebelyon dahil nga ay naaresto na ang mga suspitsado sa massacre. Malinaw na malinaw na isang “criminal act” ang ginawa ng kampo ni Ampatuan at hindi rebelyon sa basihan na ang pamamaslang ay ginawa sa paghahangad na mapapanatili ang kapangyarihan sa Ampatuan at hindi pagdistabila ng gobyerno dahilan.
Pagkatapos maideklara ang batas militar ay nakita nga na ang mga armas na nasa hanay ng mga Ampatuan ay mga armas na galling mismo sa Armed Forces of the Philippines. Nagpapatunay lamang na ang mga warlords na ito ay inaalagaan din ng rehimeng Arroyo. Mapapansin natin na sa halip na mapabilis ang katarungan ay inilihis lamang ng gobyerno ang ating pansin sa pagdedeklara ng batas militar na halatang halata na overkill. Kitang-kita na sa ganitong pagdedeklara ng martial law ay maaari na niyang bigyan ng bogus na dahilan ang pananatili niya sa pwesto.
Halatang halata ang pagkapareho ng taktika ni GMA at ni F.Marcos noong 1972. Tulad ni Marcos, nagsimula ang batas militar ni GMA na walang basehan. Nadeklara ang batas military bago mag 1973 presidential election na kahawig na kahawig ng taktika ni GMA ngayon.
Sa ganitong sitwasyon, makakasiguro tayo na dadami pa ang mga kaso ng paglabag sa karapatang pantao sa ilalim ng batas militar ni GMA. Sa ganitong taktika, maaaring tumagal si GMA sa pwesto at maari pang palitan ang ating saligang batas. Sa ganitong paraan mauulit at mauulit ang pagbabastos sa ating karapatang pantao, pagpaslang sa mga mamahayag, pagdukot at pagtortyur sa mga estudyanteng aktibista at ang malawakang “media blackout.”
Tulad ng nangyari kay Marcos, ang mga kabataan ay may malaking papel sa pagtatanggol ng ating pambansang demokrasya at karapatang pantao. Ang pagiging makabayan ng kabataan ay dapat muling gisingin at gamitin para maipagtanggol ang Pilipino mula sa pananamantala ng isa pang pangulo na nais abusuhin ang mamamayang Pilipino. Kabataan, bawiin natin muli ang demokrasya na unti-unting pinapatay ng pasistang rehimeng Arroyo.

Subscribe to:
Posts (Atom)