Ikaw ba ay estudyante ng isang unibersidad? May kaya ba ang pamilya mo? Sapat ba ang baon mo sa pangaraw-araw?
Tumaas ang presyo ng langis.
Sino ba ang may kasalanan? Ang mga tsuper ba na may sariling anak na pinagpapaaral? Siyempre hindi. Si mamang tsuper ay nagtaas ng pamasahe dahil tumaas ang presyo ng langis. Eh sino ang may sala? Ang pump boy ba sa gasoline station? Mas lalong hinde, biktima din siya sa araw araw niyang pagcommute papunta ng pinagtratrabahuhan niya.
Ang totoong may sala ay ang gobyerno.
Bakit 'ka mo? Dati ay may kontrol ang gobyerno sa presyo ng langis. Kayang pigilan ng gobyerno kung hinihingi ng mga commuters na babaan ang langis. Eh putik pa sa putik, sira yata ulo ng gobyerno, nagpasa ng oil deregulation law. Patay si Juan. Ngayon kung gusto ng Petron, Shell at Caltex mag oil price hike eh 'di maka-ek ang gobyerno. Sa makatuwid, walang kwenta ang gobyerno! Inaalagaan nila ang mga dayuhang kumpanya ng langis at pinapahirapan ang mga mamamayan na dapat nilang inaalagaan.
Sinabi ng isang kolehiyong manunulat sa akin noon, ang issue daw na ito ay 'di bagay sa Campus Publication dahil di naman apektado ang mga estudyante.
'Di nga ba tayo apektado? Araw-araw, mula lunes hanggang sabado me pasok eh. Kailangang magbyahe. Eh sa pagtaas ng langis tataas ang pamasahe. Therefore I conclude na apektadong apektado ang mga estudyante.
Education.
Sa mga private schools, colleges and universities ay nag baba ng deregulation law. Ibig sabihin ay 'di maka-ek ang gobyerno kung gusto ng unibersidad na magtaas ng tuition fee. O 'di naman kaya ay maningil ng walang kabuluhan na mga bayarin. Muli: Walang kwentang gobyerno!
Tulad ng oil companies, ang mga paaralang ito ay nasa loob ng Pilipinas. Napapasailalim ng pamahalaa ng Pilipinas. Bakit namang binigyan ng independence ang mga 'to? 'Di ba dapat hawak parin sila ng pamahalaan?
Sa buong systema ng edukasyon sa Pilipinas, may buget ang gobyerno para dito. Ang badyet na ito ay 'di umanong mula sa mga buwis na binabayaran ng lahat ng Pilipino. (take note: kahit 'di ka pa 18 at wala ka pang sedula, nagbabayad ka ng buwis sa oras na bumili ka ng kahit na ano, mapa McDo o sari-sari store.) Ang dapat na badyet ay 6 percent ng gross national income (correct me if I'm wrong) Ngunit binawasan ito at ginawang 2 percent. ang binawas ay gagamitin daw umano sa pagbayad ng mga utang ng Pilipinas. Sa dami-daming pera paroo't parito sa mga NBN-ZTE at fertilizer scam, may Euro generals pa, bakit ang edukasyon pa ang binawasan? Kung di ba naman ga*uhan 'to!
Sinabi ng isang kolehiyong manunulat sa akin noon, ang issue daw na ito ay 'di bagay sa Campus Publication dahil di naman apektado ang mga estudyante.
'Di nga ba tayo apektado? Eh edukasyon ang pakay natin sa pag punta sa paaralan.
Sa pamumulita.
Sa korapsyon.
Sa divertion of funds.
Sa illigal abduction ng gobyerno.
Sa 1 milyong piso na hapunan.
Sa mga kabulastugan ng mga politiko.
Sa mga kasinungalingan ng pangulo.
Sa pamamaslang nga mga kabataan at mamamahayag.
Sa criminal neglect ng gobyerno sa mga nasalanta ng bagyo.
Sa mga manlolokong tatakbo bilang pangulo.
Ang bawat estudyante ng kahit na anung unibersidad ay dapat makialam sa mga issue ng Pilipinas.
Ito ang tahanan ng ating lahi, ang lupang sinilangan. Naging Pilipino tayo bago naging estudyante ng PCU. Naging mag-aaral tayo ng Pilipinas simula sa pagkabata hanggang sa huling hininga natin.
Kabataan!
Pag-aralan ninyo ang ating lipunan. Alamin ang tamang mga hakbang. Huwag matakot! Na sa MGA KAMAY NATIN ANG PAGLAYA NG BAYAN MULA SA BULOK NA SISTEMA NA GUSTONG IPANATILI NG MGA TUTANG POLIKO NG ESTADOS UNIDOS.
GUMISING KA KABATAAN!
Ika nga ni Rizal: "ang kabataan ay pag-asa ng bayan."
AT HINDI LALAYA ANG BAYAN KUNG ANG KABATAAN AY WALANG PAKI-ALAM, KIMI, PASIBO AT MAKASARILI!
KUNG WALANG PAKI-ALAM ANG KABATAAN, WALANG PAG-ASA ANG BAYAN!