Bagong taon: bagong Pag-asa.
Ito ang madalas na bukambibigng mga tao. Dala daw ng bagong taon ay bagong pagsubok na dapat malampasan. Dala daw ng bagong taon ay bagong pag-asa at bagong pagkakataon.
Siguro nga may katotohanan sa mga sinasabi nila. Sa bagong taon ay lilitaw ang bagong suliranin. Ngunit kung titingnan natin ng maigi, kahit sa kalagitnaan ng taon ay may mga bagong pagsubok. Kahit nga noong patapos ang 2009 ay lumitaw ang bagong suliranin.
Ano ito..?
Ang walang awa at walang kabuluhang pagpaslang ng mga tao sa Maguindanao.
Atheto pa: ang paglilinlang ng gobyerno at pagpapabagal ng paghatid ng katarungan sa masaker sa Maguindanao.
At mas mahayop pa sa sahul: nagdeklara ng walang basehan at iligal na martial law ang pekeng presidente na si Gloria Macapagal Arroyo.
At ngayong bagong taon, Huwag tayong umasa na babago ang mga kabulukang ito. Totoo na maybagong suliranin na lilitaw pero lumang-luma na at nabubulok na nga ang ugat na pinanggagalingan nito: ang Sistemang mala-kolonyal at malapyudal na lipunan na pilit na pinananatili ng mga burokrata-Kapitalista at mga gahaman sa lupa at pera.
Lumang sistema ang sanhi ng matagalang pagkakalugmok natin sa kadiliman, karahasan at kahirapan.
Ngunit may bagong pag-asa.
Makakamit lang natin ang bago at masaganang pamumuhay kung matagumpay na mawasak natin ang kadenang nagtatali sa atin sa nabubulok nana sistema.
Pero ano nga ba ang bagong pag-asa?
Hindi 'ano' kundi 'SINO'.
Tayo!
Tayong KABATAAN ay dapat na pag-aralan ang lipunan, tukuyin ang sanhi ng mga paghihirap ng masa at gumawa ng mga tamang hakbang paramapalaya ang sambayanang Pilipino mula sa pang-aapi ng mga naghahring uri.
Tayong KABABAIHAN ay dapat baguhin ang tingin sa sarili at sa proseso ay mabago ang tingin ng iba sa atin. Tukuyin na ang ugat ng mababang pagtinginsa kababaihan ay ang sistemang nabubulok.
Tayong MANGGAGAWA ay dapat malaman ang tamang pamamalakad, tamang pangangalaga sa kapwa.Pag-aralan natin ang lipunan at maging hukbo na magpapalaya ngsambayanan at ng sangkatauhan.
Tayong MAGSASAKA ay dapat alamin ang karapatan, ipaglaban ang kabuhayan at bayan. Alamin na tayo ang puwersa na magpapalaya sa sarili at magbubukas ng isip ng tao sa bulokna lipunan.
Tayong MAG-AARAL ay dapat na matuto sa masa. Huwag tayong magsawang mag-aral ng lipunan, matuto sa masa at magturo ng tamang hakbang sa pagpapalaya ng bayan.
Buksan natin ang ating mga mata at isipan. Alamin natin ang kabulukan ng nag-iiral na sistema. wasakin natin ito at isulong ang bagong sistema na mag-aahon sa atin mula sa putik na ating kinaroroonan.
Ang bagong pag-asa ay: ang mulat; ang pagmulat sa mga nagbubulag-bulagan at nagbibingi-bingihan;
Pagmulat ng sangkatauhan.
At sa pagpula ng silangan, lalaya na ang sambayanan.